Lunes, Mayo 23, 2016

Nagkaroon ako ng hilig sa pag-imprenta ng mga tshirts at iba pa nuong ako'y nag-aaral sa sekondarya.  Dati, nagpapagawa lang ako ng Silk Screen Plate pero dahil sa may kalayuan ang aming lugar naisip kong gumawa sa sarili kong pamamaraan. Nagtanong-tanong ako sa mga nag-iimprenta ng mga tshirts subalit ayaw nilang ibahagi ang kanilang nalalaman... Ang sabi ko sa sarili ko, kapag ako natuto ibabahagi ko ito sa mga kabataan na gustong matuto at makatulong ng kahit konting kabuhayan man lamang sa pamilya.  ANG MGA IBABAHAGI KO AY BASE SA AKING SARILING PAG-AARAL, EXPERIMENTO AT KARANASAN...

PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG 'SILK SCREEN PLATE':

A. Mga Kagamitan
1.  Frame na gawa sa kahoy, (1"x1" ang kapal ng kahoy), ang laki ay depende sa kung gaano kalaki ang iyong i-imprenta. May nabibili na rin na ready made (tanong ka sa National Bookstore)
2.  Silk Screen. Makakabili nito sa mga nagtitinda ng mga tela. (sa amin P75 per yard)
3.  Stapler (Malaki)
4.  Squegee (yung ginagamit pampahid sa pintura); i-search mo sa google kung di mo alam itsura.
5.  Water Sprayer (yung gamit pandilig na pang isang galon ang karga, ok na yun)
6.  Photo Emulsion (L) (Gamit ko TULCO products)
7.  Sensitizer. (Gamit ko TULCO products)
8.  Photo Hardener.(Gamit ko TULCO products kasi mas mura konti.
9.  Disenyo.  (maari itong iprint sa inkjet printer  tgamit ang TRANSPARENCY FILM for INKJET             PRINTER na nabibili din sa National Bookstore. Pwede ring mag drawing sa anumang clear na supot.  Pwede rin sa bond paper (lagyan mo lang ng mantika para titingkad ung printa sa bond paper).  Pero mas mainam kung transparency film gamitin mo mas maganda ang magiging outcome sa silkscreen.  BLACK INK ANG GAMITIN.

B. Paggawa
1. Ilagay ang silk screen sa frame gamit ang stapler (o thumbtucks). Unahin ang isang dulo. Pagkatapos binatin konti... i-istapler.. dapat pantay-pantay ang pagkakabinat upang hindi bukol-bukol ang screen.
2. Ilagay ang PHOTO EMULSION sa isang paghaluan (baso, etc.). Dapat tantyahin lamang ang dami nito base sa laki ng frame na kayang i-coat.
3. Haluan ng konting SENSITIZER. (1:10 ang timpla).  Kung halimbawa 10 kutsara ung Photo Emulsion mo, dapat 1 kutsara lang ung Sensitizer mo. Haluin ng mabuti.
4.  Ipahid ang pinaghalong emulsion at sensitizer sa Screen gamit ang squegee. Back to back ang pagpahid sa screen upang maganda ang pagkaka 'coat' dito.
5.  Ilagay ito sa madilim na lugar para patuyuin (kahit saan basta di sya direktang tinatamaan ng liwanag.)  Kung mayron kang hair dryer mas maganda dahil mapapadali ang pagpapatuyo nito.  Huwag gumamit ng mga hair dryer na may bumabaga sa loob.
6.  Kapag tuyo na, ipatong ang disenyo sa screen. tapos patungan ng clear na salamin upang lapat-na lapat ang disenyo sa screen.  Kung walang salamin i scotch-tape mo nalang gamit ang clear na scotc.h tape upang di siya gagalaw habing dinedevelop.
7. Pagdedevelop. Bigyan ko kayo ng 2 pamamaraan.  Pumili lang ng isa na mas ok sa iyo
a.  Gamit ang Sikat ng Araw.  10 segundo lamang.
b.  Gamit ang Light Table na may bumbilya na  1000W: 100 segundo
8. Balnawan at linisin ang Silk Screen gamit ang tubig at sprayer. Mapapansin na ang parte ng Screen na direktang nasikatan ng Araw ay titigas samantalang ang parte na natakpan ng mga letra o Disenyo ay matutunaw. Pagkatapos ay patuyuin (magandang ibilad sa araw).
9. Kapag tuyo na, lagyan ng HARDENER ang buong screen (magkabilaan) gamit ang paint brush. Patuyuin ulit.
10.  Pwedeng pahiran ng mantika ang silk screen bago gamitin upang di masyadong didikit ang pintura. mas madali pa itong hugasan. (Tubig lang at spongha ang gamitin sa panghugas).

SANA AY NAKAPAGBIGAY AKO NG KONTING KAALAMAN LALO NA SA MGA NAGSISIMULA PA LAMANG SA SILK-SCREEN PRINTING. SALAMAT.

2 komento:

  1. salamat sa information, Godbless nawa'y pagpalain ka ng Mahal na Panginoon

    TumugonBurahin
  2. boss, gusto ko lang malaman, kung pwede ba magpaprint ng mga design sa mga computer shop.. gagana na po ba yun or merun tlgang printer para dun?

    TumugonBurahin